Nanganganak pa din (sa aking gunita)

Ang mga makulay at mahalimuyak

Na butil ng kisses. Sa yakap ng bulak

Na mayroong dampi ng alkohol, walang

Alinlangang isa o dalawa’y biglang

Dadami; at kahit sa muling pagsipat

Wala namang bagong mga nakalatag,

Hindi mabitawan, hawak na himala,

 

Na hawak-hawak pa din at di mabitawan.

Pagkat ang pagdating nitong hinihintay

Na di daw darating (Lohikang kaylupit!),

Ay siyang patunay na p’wedeng malamnan

Ang sinapupunang walang lama’t patay–

Pag-asa’y pag-asa, kahit na masakit.

Leave a comment