Bilanggo

Nakatatak ang lansa
Ng isang pangalan sa aking labi

At bulto-bultong alaala
Ang nakadagan sa dibdib

Malabo na ang mga peklat
At burado na ang mga pasa

Ngunit nanatiling sariwa
Ang dugo sa sahig

Hindi humihina ang mga sigaw
Na nakulong sa tainga

Kahit tikom na
Ang nagmumurang bunganga

Gabi-gabi, tumatakas ako sa hambalos
Ng takot . Lagi’t lagi, nahuhuli
Sa hindi pagkalimot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s