Sa Ped Xing

Sa tanghod ng buwang wala namang mata
(Pero kung tumitig, wari’y naninita),
May pares ng labing nagtagpo’t nagpinta
Ng pula sa hanging balot ng pagsinta.

Nagpalit ng kulay ang ilaw sa kanto,
At muling gumalaw ang mga minuto.
Silang nakatigil na tila retrato’y
Bingi sa busina’t hagibis ng oto.

Paa ay napako sa daang may linya
Kamay ay naligaw sa bagong anyaya.
Hindi nakagalaw, pero milya-milya,
Narating ng pusong lango sa ligaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s