Gayak

Minsan kong pinitas isa-isa ang mga nunal
Sa likod mo, at itinago ang mga ito
Sa ilalim ng unan. Hindi mo napansin
Ang mga nawawala mong piraso;
Marahil ay di mo nadama ang mga kurot
Habang nilulunod ng tulog.
Sa mga gabing tanging anino ang katabi,
Idinidikit ko ang mga nunal sa naulilang
Espasyo sa kama, ayon sa pagkakatanda
Sa kanilang puwesto sa likod mo.
Matagal na pinagmamasdan,
Paulit-ulit iginuguhit,
Pinagdudugtong ang bawat tuldok,
Kinakabisa ang hugis na nabubuo,
Sinisigurong hindi mabubura
Ng mga puwang ang gunita

Sa ganoon, naunawaan ang lunggati ng buwan:
Kung bakit gabi-gabi niyang ikinakabit
Isa-isa sa langit ang mga bituin,
Ayon sa hugis ng alaala
Ng mga lumisang katabi.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s